Thursday, February 21, 2008

Grupong Ipinagmamalaki ko

Ang isang organisasyon ay binubuo ng mga miyembrong pare-pareho ang pag-uugali, kagustuhan, prinsipyo, ipinaglalaban at isinisigaw. Ganito rin ang samahang aking nasalihan. Totoong kami'y pare-pareho mula ula hanggang paa, pati ang palikaw likaw ng bituka'y iisang direksyon din ang pinatutunguhan. Iisa ;ang ang tinutukoy kong grupo. Datapwat ito'y isang mumunnting samahan, maituturing ko parin itong kakaiba at pambihira. Ititigil ko na ang aking mga papuri at tayo'y magpatuloy sa aking munting paglalaghad.

Una, and mga kasapi ng pangkat na ito'y pare-parehong sumusuporta sa tinaguriang kampeyonato sa isang palatuntunan sa ABS CBN, ito ay ang Little Big Superstar. Ang akin pong tinutukoy ay walang iba kundi si Mr. Heartsong o mas kilala sa pangalang Ginoong Ronald Jaimeer Coro Humarang.

Ikalawa, ang mga kaanib ng grupong ito ay pawang mga nilalang na wala nang ginawa kundi ang gumawa ng mabuti sa kapwa. Hindi ko maipagkakaila na meron din naman kaming mga kapintasan tulad rin ng karamihan, sapagkat tayo'y mga simpleng tao lamang na hindi kayang pakitunguhan ng mabuti ang lahat. Totoong ang mga miyembro rito ay medyo may kakulitan, kapasawayan at katamaran. Datapwat ang mga ugali nami'y may kahalong kabutihan at kasamaan, sinasabi ko sa inyong lahat, kami'y inyong maasahan sa oras ng inyong kabiguan at kagipitan. Kami'y nakahandang umagapay at makisimpatya sa inyong mga hindi inaasahang oras. Bagama't hindi biro ang aming distansya sa bawat isa, kami'y tunay na binubuklod ng iisang nakakaantig na boses ng isang mang-aawit na si RJ.

Ikatlo, ang mga miyembro ng paksyong ito ay mga maabilidad at matitinong tao. Saludo ako sa kakayahan at abilidad ng bawat isa sa amin. Lahat kami rito'y may kani-kaniyang espesyalidad pagdating sa larangan ng iba't ibang mga paksa. Buong pagmamalaki kong sinasabi na lahat kami rito'y tunay na matatalino. Nariyan ang among mga medalya, mga parangal at pagkilala, mga sertipiko at iba pa, upang magbigay patotoo sa aking mga inilalahad sa inyo. Lubos akong naniniwala sa kakaibang inspirasyong ibinibigay sa amin ng aming iniidolong si Ronald Jaimeer.

Sa pangkalahatan, ang aming pambihirang samahang tinawag na Ronaldikz ay isang grupo ng mga indibidwal na may hindi matatawarang galing at kakayahan. Lahat binubuklod ng pagkakapare-pareho ng aming mga personalidad. Tunay akong nakatagpo ng mga mabubuting kaibigan at isang idolong hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit anu mang bagay sapagkat siya lamang ang taong pinaghuhugutan ko ng lakas at katatagan upang aking maipagpatuloy ang pagtahak sa misteryosong landas ng buhay. Muli, ikinalulugod kong maging bahagi ng pangkat na ito. Mabuhay si RJ!, Mabuhay ang Ronaldikz, Mabuhay tayong lahat!!!!!

-Leonard Christopher Santiago

No comments: